“HINILING KO SA DIYOS”
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring alisin niya sa akin ang pagiging “mapagmataas”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t ito ay isang bagay na hindi siya ang dapat mag-alis sa akin, kundi ako ang siyang dapat “tumalikod”...
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring palusugin Niya ang katawan ng aking anak na “baldado”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t ang kaluluwa raw ng aking anak ay “malusog”; at ang kanyang katawan ay bagay na “temporaryo” lamang…
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring pagkalooban Niya ako ng “pasensiya”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t ang pasensiya ay ANI sa pakikipaglaban. Bagay na hindi naipagkakaloob, bagkus “napapanalunan”...
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring pagkalooban Niya ako ng “kaligayahan”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t sa kanya ay nagmumula ang “bendisyon”. Ang kaligayahan ay nasasa akin…
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring iiwas Niya ako sa lahat ng “sakit”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t ang sakit at hirap na naglalayo sa akin mula sa mga pag-aalalang makamundo ay siyang higit na “naglalapit” sa akin patungo sa “Kanya”...
Hiniling ko sa Diyos kung maaaring palaguin Niya ang aking “kaluluwa”; at sinagot Niya ako ng HINDI sapagka’t ito ay bagay na ako ang dapat gumawa at siya ang “huhubog” paminsan-minsan…
Itinanong ko sa Diyos kung ako’y “mahal Niya”; at sinagot Niya ako ng “oo”, kaya’t ipinagkaloob Niya ang Kanyang kaisa-isang “Anak” na namatay para sa akin upang balang araw ako ay makapiling Niya sa paraiso sapagka’t ako ay may “pananampalataya”...
Hiniling ko sa Diyos na “tulungan akong mahalin ang iba” tulad ng pagmamahal Niya sa akin; at sinagot Niya ako: “Sa wakas, ikaw ay nag-uumpisang matuto”.
© bethbciar
@simplemethepen

